Friday, October 28, 2011

Escape

Diving. 
 
A temporary escape from all the human noise...


This is the official entry to Bulakbolero's contest.

Monday, October 24, 2011

One smile to change it all

Last Friday, since wala naman akong ginagawa sa office at pagod na ang mga mata ko sa kakabasa ng balita tungkol kay Ghadafi, minabuti ko na lang umuwi ng maaga. At 6.15pm, nasa lift na ako pababa ng ofis, napakaaga para sa taong pumasok ng 10am. Mamayang 9.25pm pa daw yung 'Real Steel' movie namin sa vivo city so ano ang gagawin ko between 6.30pm to 9.25pm sa vivo? Bahala na kung saan mapadpad huwag lang dito sa office haha


Pagbaba ko ng bus, iniisip ko pa din kung ano ang gagawin ko. Kung nasa pinas ako, malamang nag aayos na ako ngayon ng backpack papunta sa kung saan o kaya ay nagmamadali papunta sa venue ng inuman (lagi daw kase akong late). Pero nasa SG ako ngayon so kelangan kong maghanap ng ibang magagawa. Bumili kaya ako ng bike? Cannot! Huwag na muna baka pagalitan ako ng nanay ko. Dumaan ako sa overpass, andaming tao, palibhasa hindi ako sanay na maraming nakakasalubong. Iniiwasan ko kase lagi ang peak hours (kaya late ako lagi kung pumasok haha). As usual meron nakaupo sa gitna ng overpass pero ito ay isang auntie. Nasanay ako na uncle ang laging nakaupo duon at lagi kong nilalagpasan. Mukhang malalim ang iniisip ni auntie habang ang isang kamay ay may hawak na 3 pack ng tissue. Nilagpasan ko si auntie. Hindi kaya sya nangangalay sa kakataas ng tissue sa tuwing may dumaraan? Huminto ako at tumingin ulit sa kinauupuan nya. Mukhang malalim pa rin ang iniisip at nakataas pa rin ang kamay. Balikan ko kaya? kaso madaming tao at nakapasok na ako sa mall. Nagmamadali ba ako? hindi naman. Fine, bilang curious at bilang walang magawa, binalikan ko si auntie. 'Auntie, how much?' kunwaring tanong lang kase alam ko naman na 1 dollar ang 3 pack ng tissue. Nakaready na nga ang 1sgd na kinalkal ko pa sa aking bag habang naglalakad pabalik sa kanya. 'Oh! 1 dola for 3 packet!' ang bibong sagot ni auntie. Naistorbo ko si auntie pero buti na lang nakangiti ito habang inaabot ang 3 pack ng tissue. Maaliwalas ang kanyang mukha at malayong malayo sa blankong mukha nya kanina. Inabot ko ang 1sgd, kinuha ang 3 packet at nag 'thank you' sa kanya. 


Naglakad na ako pabalik ng mall. Nag iisip pa rin ng magagawa pero katulad ni auntie, nakangiti na rin ako. Nahawa ata ako sa ngiti nya kanina. Thank you auntie! :-D

Sunday, October 23, 2011

Hello ... again :-D

I just read my 2004 blog site and though it only has 4 blogs, it made me smile and it seems like it was just yesterday. It was indeed an eventful year and i'm glad that I was able to write some of them. So, I am starting this blog and I am hoping that few years from now, I can read this blog again and hopefully, there will be more entries hahaha